Pagpapakasal nina Vicky Belo at Hayden Kho umani ng iba’t ibang reaksiyon


Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang kumpirmadong pagpapakasal ng celebrity doctors na sina Vicky Belo at Hayden Kho.

Maraming celebrities ang natuwa sa balita pero naging tampulan naman ito ng kantiyaw ng karamihan sa mga netizen.

Ayon sa ilang netizens, para na rin aniyang pakakasalan ni Hayden ang kanyang lola dahil sa age gap ng dalawa na 25 taon.

Hinalungkat din ang naging kontrobersiyal na video na kinasangkutan ni Hayden kasama ang ilang mga artista.

Nakatakda ang pagpapakasal ng dalawa sa Setyembre sa Paris.

Sa ngayon, mayroon nang two-year old daughter na si Scarlet Snow ang dalawa na ipinanganak bunga ng surrogacy.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *