Paglalagay ng toll sa EDSA pinag-aaralan ng MMDA – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Paglalagay ng toll sa EDSA pinag-aaralan ng MMDA


Pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapataw ng toll sa mga pribadong sasakyang dumadaan sa EDSA.

Hango umano ang nasabing ideya sa electronic road pricing na ipinatutupad sa ibang bansa gaya ng Singapore at United Kingdom (UK).

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office and Traffic Engineering Center Director Neomie Recio, makatutulong din ang nasabing plano para mabawasan ang trapiko sa EDSA.

Sakaling ituloy ito, tanging ang mga pribadong sasakyan lang aniya ang maaapektuhan dahil ang mga ito ang pangunahing nagpapasikip sa EDSA.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *