Pagkamatay ng IS leader, kinumpirma ng Syrian Human Rights

Kinumpirma na ng Syrian Observatory for Human Rights na patay na ang Islamic State (IS) leader na si Abu Bakr Al-Baghdadi.

Ito ay batay umano sa ulat matapos maubos ng hukbong sandatahan ng Iraq ang mga huling teritoryo ng Islamic State sa Mosul, na tatlong taon nang hawak ng mga ito.

Ayon sa Syrian Human Rights, napatay umano si Baghdadi sa isa sa mga air strikes na isinagawa ng Russian defense ministry noong nakaraang buwan, bagay na itinanggi naman ng US.

Dahil sa alinlangan, sinabi naman ni US Army Colonel Ryan Dillon sa Iraq na kasalukuyan pa rin nilang kinukumpirma ang nasabing balita.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *