Pagkamatay ng 14-anyos na si Reynaldo De Guzman, iimbestigahan na rin ng NBI

Inatasan ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpaslang sa 14-anyos na si Reynaldo De Guzman na natagpuan sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija.

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, na kapag nakakuha na ng mga ebidensiya laban sa mga suspek na gumawa ng krimen ay agad silang sampahan ng kaukulang kaso.

Inatasan din ng kalihim si NBI Director Dante Gierran na magsumite ng report sa kanyang opisina sa isasagawang imbestigasyon.

Si Reynaldo ay positibong kinilala ng ama na nasa isang funeral parlor sa Gapan.

Si De Guzman ang umano’y kasama ni Carl Angelo Arnaiz bago ito napaslang ng mga pulis sa Caloocan City.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *