Tuesday, April 25, 2017
Home > National News > Pagkakasama ni De Lima sa Time’s 100 list pinuna

Pagkakasama ni De Lima sa Time’s 100 list pinuna


Pinuna ng Malacañang ang pagkakabilang ni Senadora Leila De Lima sa Time Magazine’s 100 Most Influential Person sa mundo.

Sa statement ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, iginiit niyang suportado si Pangulong Rodrigo Duterte na nakasama rin sa nasabing listahan.

Pero sa kaso aniya ni De Lima ay hindi umano nilinaw ng Time na nakulong ang senadora hindi dahil sa kritisismo sa administrasyon, kundi dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.

Sa puna ng pagkakasama ni De Lima sa Time’s 100 na isinulat ni dating US Ambassador to the United Nations (UN) Samantha Power ay sinabi nitong ‘vocal critic’ ni Duterte ang senadora.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *