Pagdalo ni Trump sa ASEAN Summit sa Pilipinas welcome sa DFA


Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs ang anunsiyo ni US Vice President Mike Pence na dadalo sa ASEAN Summit na gaganapin sa bansa si US President Donald Trump.

Partikular umanong dadaluhan ni Trump ang East Asia Summit at ASEAN-US Leaders’ Summit na gaganapin sa Nobyembre.

Posibleng talakayin ni Trump ang security issues at mga isyung may kaugnayan sa South China Sea.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaking pakinabang sa bansa ang pagbisita rito ni Trump.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *