Pagbubukas ng klase sa Marawi kinansela ng DepEd


Kinansela muna ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase sa Marawi City sa Lunes, Hunyo 5 dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at Maute group sa lugar.

Ang naturang desisyon ay kasunod ng isinagawang pakikipagpulong ni DepEd Secretary Leonor Briones sa mga regional director at division superintendent ng ahensiya na ginanap sa Cagayan de Oro.

Suportado rin ng National Security Council (NSC) ang naturang kanselasyon ng klase sa lugar.

Dagdag pa ni Briones na kanila munang bibisitahin ang mga evacuation center, na kung saan ay maaaring magturo pansamantala ang mga guro.

Plano rin ng ahensiya na bigyan ng mga gamit pang-eskuwela ang mga mag-aaral na nasa evacuation center.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *