Pag-imprinta ng mga balota para sa barangay at SK elections, sisimulan na sa susunod na linggo

Pasisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo ang pag-iimprinta ng mga balota na gagamitin sa barangay and SK elections na nakatakda sa Oktubre a-beinte tres ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na sisimulan ang printing ng balota dahil wala pa namang batas na ipinasa ang kongreso na nagpapaliban sa halalan.

Sa ngayon aniya, patuloy ang printing ng mga election offices ng computerized voters list at inaasahang matingnan ito ng mga botante sa COMELEC offices sa kanilang lugar sa pagtatapos ng linggong ito.

Samantala,magsasagawa naman ng public hearing sa Davao City sa agosto a-kinse upang malaman kung ipo-postpone ang eleksyon sa Mindanao dahil sa umiiral na martial law sa rehiyon.

Ayon kay Jimenez, kung walang batas ang kongreso na nagpapaliban sa eleksyon sa buong bansa, maaaring i-postpone ang halalan sa mindanao lamang, hanggang matapos ang batas militar sa Disyembre a-trenta’y uno.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *