Pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo bawal na


Simula na ngayong araw ang pagbabawal sa pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo.

Sa ilalim ng Republic Act 10666 o ang Children’s Safety on Motorcycle Act of 2015, bawal nang sumakay sa mga motorsiklo ang mga batang 17 taong gulang pababa, lalo na kung hindi abot ng kanilang mga paa ang foot peg ng motorsiklo.

Bawal din ang mga bata na hindi pa kayang humawak sa baywang ng nagmamaneho, walang suot na helmet at maging pag-angkas ng mga bata sa harapan ng drayber.

Exempted naman dito ang mga motorcycle rider na may angkas na bata na nangangailangan ng emergency medical attention.

Sakop nito ang pampublikong kalsada sa buong bansa tulad ng national highways, provincial roads, municipal at barangay streets.

Ang mga mahuhuling lalabag ay magmumulta ng tatlong libo hanggang limang libong piso sa una at ikalawang pagkakataon; sampung libo sa ikatlong beses na paglabag at isang buwang suspensiyon ng lisensiya ng rider.

Ang lalabag sa higit pa sa tatlong beses ay papatawan ng awtomatikong pagbawi sa lisensiya ng violator.

Taong 2015 nang lagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang batas.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *