Pacquiao, mananalo vs Horn — sparring partner


Humanga kay 8-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao ang sparring partner niya na si Adrian Young.

Ito ay matapos ipamalas ng Pambansang Kamao ang kanyang walang kupas na lakas at bilis sa training para sa laban sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Ayon kay Young, malaki ang tiyansang mapataob ni Pacquiao si Horn.

Nanghula pa si Young na hanggang pitong rounds lang aabutin ang labang Pacquiao-Horn na gaganapin sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *