Pacquiao hinimok ni Drilon na makinig sa mga eksperto kaugnay ng panukalang PBC


Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay boxing champion at ngayo’y Senador Manny Pacquiao na makinig sa mga eksperto.

Kaugnay ito ng panukala ni Pacquiao na magkaroon ng hiwalay na komisyon para sa boksing.

Sa isang statement, sinabi ni Drilon na dapat tingnan ni Pacquiao ang pagtingin ng Games and Amusement Board (GAB) sa proposal nito sa pagbuo ng Philippine Boxing Commission (PBC).

Ayon kay GAB Chair Abraham Kahlil Mitra, hindi na kailangan pa ng hiwalay na komisyon sa boksing dahil maaari namang gumawa ng reporma para mapalakas ang sports sa bansa.

Sinabi rin ni Mitra na one-third mula sa 150 members staff ng GAB ay nakatalaga na sa larangan ng boksing.

Sinabi naman ni Drilon na kung hindi nakinig si Pacquiao sa kanya sa interpelasyon ay umaasa siya na makikinig ito sa pananaw ng GAB.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *