Pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City nasunog – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City nasunog


Tinatayang aabot sa sampung milyong piso ang halaga ng pinsala matapos masunog ang isang pabrika ng tsinelas sa Baseco Street, Balubaran sa Valenzuela City.

Mag-aalas dose ng tanghali kahapon nang sumiklab ang sunog sa nasabing pabrika.

Ayon sa caretaker ng pabrika, napansin na lamang nila na may kumikislap mula sa isang extension cord.

Dahil naman umano sa detergent powder at solvent ay pumutok ang nasabing extension at doon na nagsimula ang apoy na mabilis namang kumalat dahil pawang raw materials ang laman ng gusali.

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog na naapula matapos ang higit-kumulang apat na oras.

Wala pa umanong nakikita ang mga awtoridad na paglabag sa Fire Code ng establisimiyento at iginiit na aksidente lamang ang nangyaring sunog.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *