P8-M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust ops


Arestado ang isang Chinese national sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Davidson” na siyang target ng operasyon.

Nakuha kay Davidson ang dalawang kilong shabu na nagkakahalaga ng walong milyong piso at cash na dalawandaang libong piso.

Patuloy na inaalam kung miyembro ito ng sindikato at kung saan nanggaling ang droga nito.

Inaalam din ang tunay na pagkakakilanlan ni Davidson at kung ligal ang pananatili nito sa bansa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *