Thursday, April 27, 2017
Home > National News > One Cebu Party, kumalas na ng suporta kay VP Binay

One Cebu Party, kumalas na ng suporta kay VP Binay

one cebuInanunsyo ng One Cebu  Party na itinigil na nito ang pakikipag-alyansa sa United Naitonalist Alliance (UNA) na partido ni Vice President Jejomar Binay.

Sa pahayag ni One Cebu chairman at gubenatorial bet Winston Garcia, unanimous ang desisyon ng kanilang partido na bawiin ang suporta kay Binay.

Ayon kay Garcia, nagsagawa umano ang UNA ng mga campaign sorties sa Cebu na hindi ikinokonsulta sa One Cebu Party.

Tumatalon rin umano ang UNA sa mga kalaban ng One Cebu sa local elections.

Sinabi naman ni Cebu Representative Gwen Garcia na sinusuportahan niya ang desisyon ng One Cebu Party ngunit aalis lamang siya sa UNA kapag hindi naging loyal sa kaniya ang partido.

Sa ngayon, wala pang anunsyo ang One Cebu Party kung sino na ang kanilang susuportahang kandidato sa pagkapangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *