Oil price rollback nakaamba ngayong linggo – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Oil price rollback nakaamba ngayong linggo


Matapos ang magkasunod na rollback sa mga produktong petrolyo nitong nagdaang  mga linggo, may inaasahan ngayong bigtime rollback sa mga produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry sources, tinatayang nasa P1.10 hanggang P1.20 ang bawas sa presyo sa kada-litro ng diesel at kerosene samantalang nasa 90 centavos hanggang P1.00 naman ang tapyas sa kada-litro ng gasolina.

Sa ngayon, hinihintay pa ang pormal na anunsiyo ng mga kumpanya ng langis kung kailan ipatutupad ang naturang rollback.

Bunsod naman ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado ang nakaambang bawas-presyo.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *