Oil price rollback, ipatutupad bukas – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Oil price rollback, ipatutupad bukas


Muling magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa kanilang mga produktong petrolyo.

Sitenta sentimos ang ibabawas sa kada-litro ng kerosene samantalang sisenta sentimos naman sa kada-litro ng diesel.

Trenta y singko sentimos naman ang bawas sa kada-litro ng gasolina.

Epektibo ang oil price rollback alas-sais ng umaga bukas.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo na nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *