NPA na nahuli sa Bukidnon, may kaugnayan sa isang Partylist

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nahuli ng puwersa ng pamahalaan sa Bukidnon matapos makakuha ng tip na may dala ang mga ito ng mga gamit para makagawa ng bomba.

Ito ang ibinahagi ni BGen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao Hour press briefing na ginanap sa ASEAN media center.

Dagdag ni Padilla na isa sa nahuli na NPA ay inaangkin na miyembro ito ng Anakpawis Partylist.

Iniimbestigahan na ang magkapatid na npa na kasalukuyang hawak ng PNP.

Napaulat na pinapalakas ng NPA ang puwersa nito para labanan ang security forces ng pamahalaan matapos putulin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiations sa Communist Party of the Philippines.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *