Thursday, April 27, 2017
Home > Metro News > Notoryus na holdaper sa Caloocan patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

Notoryus na holdaper sa Caloocan patay matapos makipagbarilan sa mga pulis


Patay ang isang notoryus na holdaper sa North Caloocan matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Nagsagawa ng follow-up operation ang Caloocan Police para madakip ang dalawang suspek kabilang si John Rey Obando sa Victory Gate 1, Barangay 180 sa Caloocan.

Nang maramdaman umano ng suspek ang presensiya ng mga pulis ay agad itong nagpaputok ng improvised shotgun.

Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan para mapatay ito.

Kilala umanong holdaper sa Barangay 171 at 180 sa Caloocan ang napatay na suspek, na sangkot din sa pagbebenta ng droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *