Thursday, April 27, 2017
Home > Provincial > Northern Samar niyanig ng magkakasunod na lindol

Northern Samar niyanig ng magkakasunod na lindol


Niyanig ng magkakasunod na lindol ang ilang bahagi ng Northern Samar ngayong umaga.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas-8:18 ng umaga, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Sinait, Ilocos Sur, kung saan ay naramdaman ang intensity 3 sa Vigan, Sinait at Bantay, Ilocos Sur.

Makalipas ang ilang minuto o alas-8:43 ng umaga, niyanig ng magnitude 4.5 ang Catarman, Northern Samar.

Naramdaman ang intensity 2 sa Catarman, Northern Samar at Cabid-An, Sorsogon.

Sa kaparehong oras, naitala rin ang magnitude 5.4 na lindol sa Mapanas, Northern Samar.

Naramdaman ang intensity 2 sa Catarman, Northern Samar, Cabid-An at Juban, Sorsogon samantalang intensity 1 naman sa Tacloban City; Palo, Leyte; Legazpi City; Masbate City; Borongan, Eastern Samar at Sorsogon City.

Wala namang naitalang pinsala pero asahan ang aftershocks matapos ang lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *