NoKor, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

Sa hindi pangkaraniwang pagkakataon, niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang North Korea.

Ayon sa US Geological Survey, hindi pangkaraniwan sa North Korea ang ganoong kalakas na lindol.

Nilinaw naman ng USGS at ng Pentagon na hindi dahil sa nuclear test ang nasabing pagyanig.

May lalim na 538 kilometers below seabed ang nasabing lindol.

Naitala naman ang epicenter nito 180 kilometro timog-silangan ng Chongjin City.

Wala namang inaasahang pinsalang idudulot ang nasabing pagyanig.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *