Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > No. 1 drug pusher sa Bulacan bagsak sa kulungan

No. 1 drug pusher sa Bulacan bagsak sa kulungan


Sa kulungan ang bagsak ng numero unong tulak ng droga sa Calumpit, Bulacan.

Nadakip si Manolito Martin alyas “Papa Bear” nang dalawin nito ang sugatang bayaw sa Malolos General Hospital.

Narekober kay Martin ang isang granada, baril, mga bala, isang bonnet at tatlong pakete ng hinihinalang shabu.

Inamin nitong gumagamit siya ng droga pero hindi na raw siya aktibo sa pagbebenta ng shabu.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Calumpit, si Martin ang itinuturong supplier ng droga ng lahat ng nahuhuli nilang drug suspects.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *