NDF consultants ibabalik ni Duterte sa kulungan kung aatake ang NPA


Ipaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang consultants ng National Democratic Front (NDF) kung aatake ang New People’s Army (NPA) laban sa mga tropa ng pamahalaan sa gitna ng Martial Law sa Mindanao.

Kasunod ito ng atas ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa NPA na paigtingin ang opensiba laban sa tropa ng pamahalaan bilang tugon umano sa Martial Law.

Nagbanta naman si Duterte na ibabalik sa kulungan ang lahat ng pinalaya niyang NDF consultants kapag tumulong ang NPA sa Maute group.

Sinabi pa ng pangulo na hindi magwawagi ang mga komunista laban sa gobyerno ng Pilipinas.

Una nang kinansela ng gobyerno ang fifth round of talks sa NDF.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *