Napoles state witness lang sa bagong PDAF scam case


Maaaring gawing state witness si Janet Lim-Napoles sa mga bagong kaso lang ng priority development assistance fund (PDAF).

Ito ang nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II kasabay ng pahayag, na sa mga bagong kaso lamang ng mga bagong pagbubunyag magiging state witness ang nakakulong na si Napoles.

Paliwanag ni Aguirre, hindi maaaring gamitin ang bagong testimonya ni Napoles sa nakabinbing plunder at graft cases laban dito at sa mga mambabatas na kinasuhan sa Sandiganbayan.

Magugunitang ibinasura ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang rekomendasyon ng DOJ na gawing state witness si Napoles.

Sinabi ni Aguirre na sila pa rin ang may huling desisyon kung sino ang tatanggapin sa Witness Protection Program (WPP).

Dagdag pa ni Aguirre, na pag-aaralan munang mabuti ng DOJ ang affidavit ni Napoles upang malaman kung kuwalipikado itong maging isang state witness.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *