Napoles hinamong ibalik ang mga kickback sa PDAF scam


Hinamon ni Senadora Leila De Lima si Janet Lim-Napoles na ibalik ang mga umano’y nakaw na yaman dahil sa pork barrel scam.

Sa statement, sinabi ni De Lima na kung talagang naniniwala ang gobyerno na hindi si Napoles ang ‘most guilty’ sa pork barrel scam ay dapat nitong ibalik ang lahat ng kickback na nakuha sa mga maanomalyang transaksiyon.

Giit pa ni De Lima, posibleng ginagamit lang ng Administrasyong Duterte si Napoles para makaganti sa mga kritiko at kalaban sa pulitika.

Ginagamit umano si Napoles para mam-blackmail at mam-bully hangga’t hindi napatatahimik ang mga kaaway sa pulitika.

Si De Lima ay kalihim ng Department of Justice nang maihain ang mga kaso laban kay Napoles at ilang mambabatas na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *