Thursday, April 27, 2017
Home > National News > MTRCB, ipinagbawal ang malalaswa at bayolenteng palabas sa mga bus

MTRCB, ipinagbawal ang malalaswa at bayolenteng palabas sa mga bus

mtrcb-spgBawal ang mga malalaswa at bayolenteng palabas.

Ito ang paalala ng Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga bus company.

Ayon kay MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal, kanilang papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang mahuhuling magpapalabas ng mga hindi angkop sa mata ng publiko.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga bus na lalabag sa kanilang kautusan.

Kahapon, nagsagawa ng surprise inspection ang opisyal ng MTRCB sa mga bus terminal sa Metro Manila dahil sa inaasahang buhos ng pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Semana Santa.

Wala namang nahuling nagpapalabas ng mga hindi kanais-nais na mga palabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *