Mocha Uson, imbitadong guest speaker ng PA – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

Mocha Uson, imbitadong guest speaker ng PA


Inimbitahan ng Philippine Army (PA) ang singer-blogger na si Mocha Uson para maging resource person sa kanilang ikasampung senior leaders conference.

Gaganapin ang nasabing kumperensiya sa Marso 20 hanggang 21 sa Fort Bonifacio.

May tema itong “Embracing diversity, building a strong army,” kung saan ay nasa sandaan at walumpung army senior officers at iba pang special guests ang inaasahang dadalo.

Binira naman ni Uson ang kanyang mga kritiko kasabay ng pagpo-post ng nasabing imbitasyon ng PA sa kanyang Facebook page.

Sa nasabing post ay sinabi ni Uson na gusto niyang isampal sa mga aniya’y dilawang trolls na mapahihiya ang mga ito sa kanilang fake news issue.

Kung fake news blogger umano siya ay hindi siya bibigyan ng oportunidad na magsalita sa PA bilang guest speaker.

Umani naman ng magkakaibang reaksiyon ang post na ito ni Uson samantalang ang iba ay binatikos ang PA.

Kinumpirma naman ni Army Spokesperson Col. Benjamin Hao ang imbitasyon kay Uson pero tumanggi itong magkomento sa pagpo-post ng singer-blogger ng kanilang imbitasyon.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *