Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Mocha Uson ‘di na dadalo sa conference ng PH Army

Mocha Uson ‘di na dadalo sa conference ng PH Army


Hindi makadadalo sa Leaders’ Conference ng Philippine Army (PA) ang kilalang Duterte supporter at blogger na si Mocha Uson.

Nirerespeto naman ng PA ang desisyon ni Uson.

Sa halip ay gagamitin na lang umano ang oras na para kay Uson sa isang open discussion ng dalawang iba pang imbitadong speakers patungkol sa social media.

Si Uson ay nag-post sa kanyang blog na nagpapaliwanag sa desisyon niyang huwag nang sumipot sa nasabing conference.

Sinabi niyang ayaw na niyang madamay ang mga sundalo sa pamba-bash ng kanyang mga kritiko.

Matatandaang inulan ng batikos ang PA dahil sa nasabing imbitasyon kay Uson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *