MMDA pinabububuwag ng isang mambabatas


Ipinabubuwag ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Layon ng inihaing House Bill 5758 ni Atienza na lusawin ang MMDA at bumuo ng bagong Metropolitan Manila Government (MMG).

Ito aniya ang sagot para magkaroon ng pangil sa pagresolba sa mga problema sa Metro Manila partikular na sa matinding daloy ng trapiko.

Kung maging batas, tatawaging ‘governor’ ang mamumuno sa MMG na ihahalal na ng mga residente sa mga lunsod sa Metro Manila kaiba sa pinuno ng MMDA na itinatalaga lamang ng pangulo ng bansa.

Magkakaroon din ng vice governor at Metro Manila Council.

Ayon pa kay Atienza, puro mababaw na solusyon lamang ang ibinibigay ng MMDA sa palala nang palalang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *