MMDA nagsagawa ng clearing ops sa Baclaran


Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Baclaran Service Road sa Parañaque City.

Katuwang ng MMDA sa clearing operations ang Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP) at ang mga opisyal ng barangay.

Hinatak ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa lugar at maging ang carpark post ng isang hotel.

Inalis din ang mga sidewalk vendor pero hindi na kinumpiska ang mga paninda bilang konsiderasyon.

Magtatayo ng traffic outpost ang MMDA sa Baclaran para masawata ang mga iligal na terminal.

Personal namang tumungo sa lugar sina MMDA General Manager Tomas Orbos at BFP-NCR Regional Director Senior Superintendent  Rico Kwan Tiu para mag-inspeksiyon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *