Military Alliance ng Pilipinas at Amerika, nananatiling matatag ayon sa Pentagon


Nananatiling matatag ang Military Alliance ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang tiniyak US Defense Secretary Ashton Carter sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na ang Joint Military Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Carter, apat na dekada na ang alyansa ng Pilipinas at Amerika at hindi ito matitinag.

Siniguro rin ni Carter na susuportahan ng Amerika ang modernisasyon ng armed forces of the Philippines sa ilalim ng nilagdaang enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Binigyang diin ni Carter na patuloy na magpapatrolya ang Amerika sa South China Sea o West Philippine Sea.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *