Thursday, April 27, 2017
Home > Provincial > Militar, nagsasagawa ng Search and Rescue Operations sa apat na crew na dinukot sa Sulu

Militar, nagsasagawa ng Search and Rescue Operations sa apat na crew na dinukot sa Sulu


Nagsasagawa ng Search and Rescue Operations ang mga miyembro ng Joint Task Force Sulu at Naval Task Group Sulu sa apat na Pinoy crew na dinukot sa Sulu.

Ayon kay AFP Wesmincom Spokesperson Major Filemon Tan, lulan ng FB Ramona 2 ang mga biktima nang tangayin ng apat na armado ng matataas na kalibre ng baril sa Celebes Sea.

Kinilala ang mga dinukot na si Captain Noel Besconde, Marine Diesel Mechanic Reyjim Rocabo, Roy Ramos at Roel Liones.

Inalerto na rin ng mga militar ang Joint Task Force Tawi-Tawi at Basilan para magsagawa rin ng pagpapatrolya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *