Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Mighty Corp handang magbayad ng P3 bilyong multa sa pamahalaan

Mighty Corp handang magbayad ng P3 bilyong multa sa pamahalaan


Pumayag na ang Mighty Corporation na magbayad ng P3 bilyong multa bilang areglo sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, sumang-ayon na ang naturang kumpanya na magbayad ng naturang halaga para magpatuloy lamang ang kanilang operasyon sa bansa.

Nito lamang nakalipas na araw ay sinuspindi ng Bureau of Customs (BOC) ang akreditasyon ng Mighty Corp dahil sa ilang mga paglabag ng kumapanya sa batas.

Magugunita ring ipinaaaresto ng Pangulong Duterte ang may-ari ng kumpanya dahil sa tangka umanong panunuhol nito.

Dagdag ni Aguirre, ang tax liabilities ng kumpanya ay subject pa rin ng kompromiso sa ilalim ng tax code.

Gayunpaman, kailangan pa rin daw sampahan ng kaso ang Mighty Corp bago ang compromise deal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *