Michelle Madrigal nagdadalantao


Inanunsiyo na ng aktres na si Michelle Madrigal na ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ng American boyfriend na si Troy Woolfolk.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Michelle ang larawan ng kanyang ultrasound.

Ayon sa aktres, labis ang tuwa at nerbiyos na kanilang nararamdaman ngayong papasok na sila ni Troy sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang isang pamilya.

Sa sariling IG post, sinabi rin ng dating football player na excited na siyang maging isang ama.

Nakilala ni Michelle si Troy sa Texas, USA noong Enero 2016.

Samantala,  kinoronahan bilang “Binibining Pilipinas-Universe 2017” ang pambato ng Camarines Sur na si Rachel Peters.

Umangat ang ganda at talino ni Rachel sa 39 iba pang kandidata ng Binibining Pilipinas  Pageant para masungkit ang korona.

Ang Filipina-British beauty queen ang magiging pambato ng Pilipinas sa 2017 Miss Universe Pageant.

Kinoronahan din sina Maria Angelica de Leon bilang “Binibining Pilipinas-International,” Chanel Olive Thomas bilang “Binibining Pilipinas-Supranational,”  Elizabeth Clenci bilang “Binibining Pilipinas-Grand International,” Katarina Rodriguez bilang “Binibining Pilipinas-Intercontinental” at Nelda Ibe bilang “Binibining Pilipinas-Globe.”

Samantala, first runner-up si Chairmaine Elima at second runner-up naman si Kristel Guelos.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *