Wednesday, April 26, 2017
Home > National News > Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG

Mga sangkot sa pagkamatay ni Espinosa hawak na ng CIDG


Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 sina Superintendent Marvin Marcos at labinsiyam na iba pang sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, matapos na ilabas ng korte ang arrest warrant laban sa mga suspek ay agad itong isinilbi ng mga awtoridad.

Hinihintay na lamang ni Dela Rosa ang pinal na resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ng PNP-Internal Affairs Service sa kasong administratibo ng dalawampung suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *