Mga pumasa sa bar exams binati ng Malacañang


Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa lahat ng pumasa sa 2016 bar examinations.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, umaasa sila na ipagpapatuloy ng mga bagong abugado ang kanilang karera sa pagseserbisyo sa gobyerno.

Hiling din ng palasyo na samahan sila sa pagbuo ng progresibo at pinagkakatiwalaang gobyerno na pinatatakbo ng mga batang mamamayan na puno ng ideyalismo, integridad at kahusayan.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *