Saturday, April 29, 2017
Home > National News > Mga pabahay sa Bocaue, Bulacan bantay-sarado vs Kadamay

Mga pabahay sa Bocaue, Bulacan bantay-sarado vs Kadamay


Sumiklab ang tensiyon sa pabahay ng pamahalaan sa Bocaue Hills, Bocaue, Bulacan.

Nagtangkang pumasok sa lugar ang mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na una nang umokupa sa ilan ding pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.

Dahil dito, bantay-sarado ng pulisya ang lugar at hindi basta-basta pinapapasok ang mga hindi residente.

Nanindigan naman ang mga residente na hindi papapasukin ang mga miyembro ng Kadamay.

Iginiit ng mga ito na may mga may-ari na ng mga bakanteng bahay na nais okupahan ng grupo.

Giit naman ng grupo, dapat mapakinabangan ng mahihirap ang mga bakanteng bahay sa Bocaue Hills.

Hanggang ngayon ay inookupahan pa rin ng mga miyembro ng grupo ang mga bakanteng unit sa Pandi.

Una nang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aksiyon ng grupo na ‘anarkiya.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *