Mga napabilang sa All-NBA Team award pinangalanan na


Pinangalanan na ng National Basketball Association (NBA) ang mga pasok sa all first team, second team at third team award sa 2016-2017 season.

Pinangunahan ni James Harden ang botohan sa All-NBA First Team na nag-iisang nakakuha ng 100 votes samantalang sumunod naman sina Russell Westbrook, Lebron James, Kawhi Leonard at Anthony Davis.

Nakuha naman ni two-time MVP Stephen Curry ang 93 votes sa All-NBA Second Team na sinundan nina Giannis Antetokounmpo, Isaiah Thomas, Kevin Durant at Rudy Gobert.

Nanguna para sa All-NBA Third Team si John Wall na may 68 votes na sinundan nina Draymond Green, Demar Derozan, Jimmy Butler at Deandre Jordan.

Iaanunsiyo naman bukas ang top 3 players na posibleng makakuha ng “Most Valuable Player” award bago magsimula ang Game 2 ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *