Tuesday, April 25, 2017
Home > National News > Mga mangingisdang Pinoy, pinaputukan ng CCG — PCG

Mga mangingisdang Pinoy, pinaputukan ng CCG — PCG


Panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Pilipinong mangingisda ang iniulat ng mga awtoridad.

Sa ulat ng mga opisyal, inatake ng CCG ang Princess Johann Boat nang mapalapit ito sa inookupahang bahagi ng China sa Spratlys noong Marso 27.

Wala namang nasawi sa insidente.

Sa statement ng Philippine Coast Guard (PCG), pitong beses na pinaputukan ang bangka ng Chinese speedboat na lulan ang pitong miyembro ng CCG.

Nilapitan din nito ang bangka matapos magbaba ng angkla.

Pero agad na nagtago ang crew ng nasabing Pinoy vessel, pinutol ang kanilang anchor line at dali-daling umalis sa lugar.

Iniimbestigahan na ng PCG at ng militar ang insidente.

Kung makumpirma, ang insidente ang kauna-unahang harassment incident sa pagitan ng dalawang bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *