Mga kumpanyang ‘di susunod sa DOLE order, ipasasara — Bello


Mahaharap sa pagpapasara ang mga negosyong hindi susunod sa mas pinahigpit na regulasyon sa job contracting.

Sa babala ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello, maaari niyang ipadeklara na regular ang lahat ng mga empleyado ng isang kumpanya at kung hindi susunod ang mga ito ay ipag-uutos niya na ipasara ang negosyo.

Ani Bello, humirit na siya ng pondo para sa karagdagang mga inspektor na magpapatupad sa bagong kautusan.

Nasa limandaang inspektor ang inatasang imonitor ang walundaang establisimiyento.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *