Mga hepe ng 5 police stations binalasa ng NCRPO


Binalasa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga hepe ng limang police stations sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, kabilang sa mga pinalitan ay ang hepe ng Pasay, Muntinlupa, Taguig, Navotas at San Juan.

Itinalaga bilang bagong hepe ng Taguig si Senior Superintendent Alexander Santos, si Senior Superintendent Allen Ocden ang bagong chief of police ng Navotas samantalang si Senior Superintendent Lawrence Coop sa San Juan.

Bagong chief of police ng Muntinlupa si Superintendent Dante Novicio at si Senior Superintendent Dionisio Bartolome sa Pasay.

Sinabi ni Albayalde na ang isinagawang balasahan ay resulta ng periodic review, kung saan ay nakitaan ang ibang hepe nang hindi magandang performance samantalang ang iba ay nabigyan ng promosyon.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *