Thursday, April 27, 2017
Home > International News > Mga guro sa Hungary kinukundina ang ipinatutupad ng pamahalaan na sentralisasyon ng edukasyon

Mga guro sa Hungary kinukundina ang ipinatutupad ng pamahalaan na sentralisasyon ng edukasyon

 

Isang malawakang kilos protesta naman ang isinagawa ng libo-libong guro sa bansang Hungary.

Ito ay para kundinahin ang ipinatutupad ng pamahalaan na sentralisasyon ng edukasyon.

Giit ng mga guro, dapat bigyan ng mas maraming mga pagpipilian ang mga paaralan sa gagamiting curriculum.

Bukod dito, nanawagan din sa gobyerno ng Hungary ang mga guro na ayusin ang kondisyon at taasin ang kanilang sahod.

Kaugnay nito, hinimok rin ng mga guro ang mga magulang ng mga mag-aaral na makiisa sa kanilang protesta para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *