Thursday, April 27, 2017
Home > National News > Mga estudyanteng lumapastangan sa bandila ng Pilipinas, sinipa na ng University of the East

Mga estudyanteng lumapastangan sa bandila ng Pilipinas, sinipa na ng University of the East

flag mopPinatalsik na ng University of the East (UE) ang kanilang mga estudyanteng naglapastangan sa bandila ng Pilipinas.

Matatandaang naging viral sa social media ang ginawang paglampaso sa sahig ng bandila ng Pilipinas.

Naging unanimous ang desisyon ng board of trustees at ng pamunuan ng unibersidad na tanggalin ang mga high school students na nambastos sa watawat ng Pilipinas.

Maging ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ay naghahanda na para magsampa ng kaso laban sa nasabing mga mag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *