McGregor, idinepensa ni Mayweather Sr. sa isyu ng racism vs Floyd Jr.

Idinipensa ni Floyd Mayweather, Sr. si Conor McGregor sa mga bumabatikos dito dahil sa umano’y racist na pananalita laban sa katunggaling si Floyd Jr.

Ayon sa nakakatandang Mayweather, wala siyang nakikitang racism sa pahayag ni McGregor nang magkaharap ang dalawa sa isang press conference.

Una rito, sinabihan ng UFC fighter si Floyd Jr., na “dance for me, boy,” bagay na para sa iba ay pagmamaliit sa katunggaling black American.

Para kay Mayweather Sr., sana ay huwag mawala ang focus sa tunay na laban sa ibabaw ng ring, dahil lamang sa mga walang kabuluhang isyu.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *