Martial Law briefing umarangkada na sa Kamara


Umarangkada na sa Kamara ang Committee of the Whole Meeting para talakayin ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Imbitado sa pagdinig ng Kamara ang dalawampu’t dalawang miyembro ng Gabinete.

Dumalo rin ang nasa sandaan at tatlumpu’t limang kongresista sa nasabing sesyon.

Una nang nagkaroon ng executive session ang Senado at naglabas na rin ito ng resolusyon, kung saan ay labinlimang senador ang nagpahayag ng suporta sa Martial Law sa Mindanao.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *