Mark Taguba, hindi lehitimong customs broker

Ibinunyag ng samahan ng mga customs broker na hindi lehitimong customs broker si Mark Taguba, ang witness sa 6.4 bilyong pisong shabu shipment na nakalusot sa BoC.

Ayon kay Chamber of Customs Broker President Ferdinand Nague, hindi miyembro ng Customs Brokerage Profession si Taguba.

Kaya naman umapela si Nague sa kongreso na huwag tawaging customs broker si Taguba.

Napag-alamang hindi miyembro ng customs broker si Taguba matapos ang imbestigasyon at beripikasyon ng Professional Regulation Commission.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *