Malaking halagang nawala sa bank account ni Janella Salvador, naibalik na


Naibalik na ang lagpas sa sandaang libong pisong halaga na nabawas sa laman ng bank account ng aktres na si Janella Salvador.

Kuwento ng ina ni Janella na si Jenine, nagtaka sila nang makita sa bank statement ng anak na nagkaroon ito ng magkakasunod na transaksiyon noong Agosto 2016 sa Tokyo Disneyland gayong hindi naman sila nagpunta sa Japan noong mga panahong iyon.

Ikinalungkot naman ni Janella na may ibang tao na nagagawang magnakaw ng pera na pinaghirapan ng iba.

Laking pasasalamat naman ng ina ng aktres sa kanilang bangko dahil naibalik na ang nawalang halaga.

Share it for others to know as well:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *