Tuesday, April 25, 2017
Home > National News > Malakanyang, pinaalalahanan ang Ombudsman na “entirely different matter” ang kaso laban kay Pang. Duterte

Malakanyang, pinaalalahanan ang Ombudsman na “entirely different matter” ang kaso laban kay Pang. Duterte


Pinalalahanan ng malakanyang ang Office of the Ombudsman na hindi maaaring kasuhan ang Pangulo ng bansa.

Ito ang reaksyon ni Communications Secretary Martin Andanar matapos sabihin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na patuloy silang magsasagawa ng imbestigasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagkakaroon nito ng immunity from suit.

Magugunita na naghain ng plunder complaint sa Ombudsman si Senador Antonio Trillanes laban kay Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Sec. Andanar, kinikilala ng Malakayang ang mandato ng Ombudsman na aksyunan ang mga reklamo laban sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

Subalit, nanindigan ang kalihim na “entirely different matter” ang kaso laban kay Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *