Thursday, April 27, 2017
Home > Provincial > Magnitude 4.4 na lindol tumama sa Agusan del Norte

Magnitude 4.4 na lindol tumama sa Agusan del Norte


Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Agusan del Norte.

Naitala ang pagyanig sa dalawampu’t dalawang kilometro Hilaga ng Jabonga, Agusan del Norte, kaninang alas-12:26 ng tanghali.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na limang kilometro.

Naramdaman ang intensity 3 sa Surigao City, Jabonga at Kitcharao, Agusan del Norte samantalang intensity 2 sa Cabadbaran City, Remedios T. Romualdez at Tubay, Agusan del Norte, San Francisco, Surigao del Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *