Wednesday, April 26, 2017
Home > National News > Magdalo Party-list hindi uurungan si Duterte

Magdalo Party-list hindi uurungan si Duterte


Hindi uurungan ng Magdalo Party-list si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Senador Antonio Trillanes IV ang naturang pahayag matapos na tawagin ni Duterte na ‘duwag’ si Magdalo Party-list Representative Gary Alejano.

Kaugnay ito sa balak ni Alejano na maghain ng supplemental complaint kaugnay ng isyu sa Benham Rise.

Ayon kay Trillanes, hindi nila uurungan si Duterte kahit na dumakdak pa ito nang dumakdak.

Darating din aniya ang panahon na babagsak din si Duterte kagaya ng lahat ng nakalaban nila.

Sinabi rin ng senador na may mahabang track record ang Magdalo sa paglaban sa mga tiwaling public officials gaya umano ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *