Tuesday, April 25, 2017
Home > Provincial > Mag-iina, kinaladkad ng bus samantalang tumatawid sa pedestrian lane

Mag-iina, kinaladkad ng bus samantalang tumatawid sa pedestrian lane


Kinaladkad ng rumaragasang bus ang mag-iina samantalang tumatawid sa pedestrian lane sa harap ng isang paaralan sa Barangay Prado Saba, Lubao sa Pampanga.

Dinala sa ospital si Alma Lalic at ang mga anak nitong sina Anna Lorraine, 6 na taong gulang at Lorez Albert, 3 tatlong taon gulang.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang sabay-sabay na pagtawid ng ilang tao na inaalalayan pa ng isang barangay tanod.

Pero bago pa man makarating sa sidewalk, isang pampasehrong bus ang umarangkada sa kaliwang linya ng highway at sinagasaan ang mag-iina.

Kasalukuyan nang nakakulong sa Lubao Municipal Police Station ang driver ng bus na si Manuel Yambot.

Kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries ang kahaharapin ng driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *